Friday, October 19, 2007

taken from The Journal

where is my monday?


Oh, boy. Now what?

I thought today is Tuesday; yesterday’s naturally is a Monday. But whoa, Nellie! The GF told me today is Wednesday so yesterday was Tuesday. Then what happened to my Monday? I can’t remember. I can’t remember Monday. Hmmmnnn… think… think…

Maybe when I went to seep last Sunday night, I woke up on Tuesday morning, which means I slept thru Monday.

Or… or little green aliens from Mars abducted me last Sunday! They then replaced me with a clone, which became “me” that people saw on Monday. The aliens then returned me Tuesday morning, which explains why I can’t remember Monday.

Or a secret experiment was performed on me by a covert government agency, which steals memories from unsuspecting citizens. Maybe right now, my memory of Monday was stored somewhere in an underground laboratory together with the stolen memories of others. For what purpose? They know. Who are “they”? Just they, them, sila.

Or I simply forgot the day.

Or I’m getting old.

Or… or… or…

xoxoxoxoxoxoxox

.
you


At some point, I said to myself that we Filipinos are ugly, if not butt-ugly. I even go to the extent of including the whole Malay race in that observation, the Malaysians, the Indonesians, the Thais.

I know that’s not a very politically correct thing to say but go to Quiapo, to Cubao, to Crossing in Mandaluyong and even to Makati. Observe. Although you’ll see flashes of beauty, but it’s on a ratio of 1 is to 10, di ba? On a really bad day, it’s even 1 is to 20. Though I don’t have any hard data or statistics on that, but you see my point right? Op kors, because they’re everywhere you look.

But then…

One fine day, I saw…

You.

Now, my whole grand theory burst like the Zeppelin balloon, “oh the humanity!” With just YOU as my proof, I now declare that we Filipinos are the most beautiful people on earth.

Thanks to you.

Thursday, October 18, 2007

wag kang bibitiw

Tuesday, October 16, 2007

ang journal (bow)

Highschool pa lang ako, mahilig na akong magsulat. Nakakuha kasi ako nuon ng jourmalism classes. Kasabay ng pagiging loner (by choice) ko nung highschool, nalaman kong masarap palang kasama ang pagsusulat sa mga panahong kinakausap ko ang aking sarili. Oo, kinakausap ko ang sarili ko at kadalasan ay nagtatalo kami at hindi parehas ang aming paniniwala at mga opinyon. Karamihan ng mga usapan namin ng sarili ko ay nakasulat sa aking journal.

Ang journal ko ay katulad ng isang diary, ang journal ko ay hindi katulad ng isang diary. Hindi ko sinisimulan ng “dear diary” kapag nagsusulat ako sa aking journal. Hindi ko rin sinusulat sa journal ko ang mga araw-araw na pangyayari sa aking buhay. Sinusulat ko lang dun ang mga bagay na nasa isipan ko, mga bagay na bumabagabag sa akin, mga bagay na gumigising sa akin sa gabi. Dun sa aking journal kinukulong ko ang mga bagay na iyon para di na ako masyadong gambalain pa.

Matagal na akong di nakakapagsulat sa journal. Unti-unting natigil ang pagsusulat ko dun nung nagkaroon ako ng girlfriend. Sa girlfriend ko na kasi nasasabi ang mga bagay na karaniwang isinusulat ko sa aking journal. Mas masarap pating humalik ang girlfiend ko kumpara sa aking journal… ehek!

Nung nauso ang online weblog (blog), isa ako sa naingganyo dito. Ang unang blog ko ay ginawa ko lampas dalawang taon ng nakakaraan. Kahit papano ay madami ding nagbabasa ng blog kong iyon. Ang pinakamataas na narating nun ay top 49 sa Pinoy Top Blogs. Subalit ang mga sinusulat ko dun ay ang mga bagay na gustong mabasa ng mga readers. Kumbaga, nailagay ko ang aking sarili sa isang kahon na hindi pwedeng sumulat ng naiiba sa tema. Bagama’t akin naman ang blog na iyon at walang nagbabawal, pakiramdam ko ay limitado lang ang pwede kong isulat dun. Isa ito sa dahilan kung bakit ko isinara na ang naunang blog na iyon at buksan ang Lapsapan.

Thursday, October 4, 2007

nasaan si kabayan?



Nasaan na ang bise-presidente ng bansa natin, si kabayan Noli De Castro, sa mga panahong ito na higit nating kinakailangang marinig ang kanyang boses? Nasaan na ang boses niya na naging pamilyar sa atin tuwing binabati tayo ng “Magandang gabi, bayaaAAAaannn…”?

Sir, nasaan na kayo? Ngayon nyo kilangang ipakita ang leadership qualities nyo, sa mga panahon na ito na maraming katanungan tungkol sa pinakamataas na pinuno ng Pilipinas. Sa mga panahong ito na maraming issues laban sa gobyernong kinasasapian nyo. Oo, marami din sa mga Filipino ang tinatawaran ang kakayahan nyong mamuno kahit pa binoto kayo bilang pangalawang pangulo ng bansa. Kung may panahon na kailangan nyong patunayan na mali ang pananaw na iyon sa inyo, Sir, ito na ang tamang panahon. Ngayon namin higit na kailangang marinig ang inyong boses.

Nawawala na ba ang boses nyo? Kung mawawala ng tuluyan ang inyong boses, may silbi pa ba kayo?

“The hottest place in Hell is reserved for those who remain neutral in times of great moral conflict” - Martin Luther King, Jr.