Sunday, September 30, 2007

sayang naman


Nung nakaraang closed-door executive session ng mga senador at ni dating NEDA commish Romulo Neri, “on the verge” na raw ng pagsasabi si Neri ng lahat-lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa anomalous NBN-ZTE deal subalit pinigilan siya si Sen. Joker Arroyo, isang admin senator at ni Budget Secretary Rolando Andaya Jr. Ito ay ayon sa several unnamed sources ng Inquirer.

Ayon sa ilang kolumnista, si Neri daw ang susi sa lahat ng mga katanungan tungkol sa deal na ito. Madami siyang nalalaman. Ayon na rin sa ilang kaibigan nito, sinabi daw ni Neri na ang nalalaman niya ay maaaring makapagpabagsak kay pangulong-salamat-sa hello-Garci Gloria Arroyo. Sinasabi din na natatakot si Neri para sa kanyang physical safety at sa maaaring ibagsak ng ekonomiya natin kung mag-People’s Power na naman tayo.

Ang sabi ko naman, “parang napapanood ko na ito sa pelikula ah…”

Unang-una, hangga’t hindi sinasabi ni Neri ang kanyang nalalaman sa buong mundo, mananatili siyang in physical danger. Hindi na siya pwedeng ipapatay kung nasabi na niya ang kanyang nalalaman dahil magpapatunaylang ito na totoo ang kanyang mga sinasabi. Tell the truth and he’ll be “untouchable”. Dahil kung misteryosong biglang nawala si Neri, alam na alam na natin kung sino ang nag-magic sa kanya para mawala at sa tingin ko naman ay hindi ganun katanga ang mga taong masasagasaan ngmga nalalaman ni Neri.

Pwede rin naman na gumawa siya ng video recording ng lahat-lahat ng kanyang nalalaman at ibigay niya iyon sa isang mapagkakatiwalaang kaibigan, na may instructions na kapag nawala bigla si Neri, ibigay sa media ang video recording. Hindi ba napapanood na natin sa mga pelikula yun? Meron na siyang bargaining chip para hindi siya galawin ng mga taong maaaring magpapatay sa kanya.

Maaaring natatakot nga siyang bumagsak ang ekonomiya natin kung magpi-People’s Power na naman tayo at maaaring natatakot din siya kung sino man ang papalit kung sakaling mapalitan nga si Gloria. Iniisip niya iyon dahil isa siyang economist. Pero dapat din isipin ni Neri na economist siya at hindi si God. Sino siya para kontrolin ang takbo ng mga Filipino at ng bansa natin? Tell the truth and let the people, the law decide.

Kung nuong nakaraang linggo pa sana nagsabi si Neri ng lahat-lahat ng kanyang nalalaman, sana hindi
natalo ang Ateneo sa La Salle kanina nyuk-nyuk-nyuk…

Sayang kasi, may dalawang pagkakataon sana para maging proud ang lahat ng alumni ng Ateneo. Kung nagpakatatag lang si Neri (galing sa Ateneo) at pinanindigan ang values ng isang Atenista at kung nanalo sana ang Blue Eagles kanina.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxox

Nag-Google search ako ng picture ni Gloria at Loren na naka school uniform at laking gulat ko dahil lumitaw sa results ang dalawang pictures na ito.
Dali-dali at nanginginig pa ang daliri ko sa pagpindot ng link papunta ng website at naghanap ako kung may iba pang pictures kaso wala na.


Sayang.

Tuesday, September 25, 2007

because i have been a victim of plagiarism, here it goes...

so, you're de-evolving


Do you find that your facial hair is starting to spread past your face? Are your knuckles a few inches closer to the ground than normal? Do you feel like you’re spending more and more time climbing trees and throwing feces at your friends?

Well these are the classic signs of what is known as De-Evolving. Don’t be afraid, a lot of people have gone through this phenomenon, and they are now settling fine in their respective zoos.

Hopefully, this guide which we have devised can make the transition from being a Homo Sexual Homo Sapien to Missing Link an easy and enjoyable one for you.

Identifying The Signs

Now, the first thing to do is to make sure you are indeed de-evolving. In the early days, diagnosing this condition was easy as pie. All you have to do is ask your friends one simple question:

“Hey, am I dumb?”

If the answer is yes, then you are either de-evolving or Chris Crocker.

Now, because of techno music, habit forming drugs, and Dan Brown books; it’s gotten hard to tell if people are de-evolving or are just plain dumb. But thanks to our research and a recent encounter with a de-evolvee, we’ve come up with a list of signs by which you can tell if you are climbing down the evolution ladder.

Loss of Common Knowledge

This is a very tricky thing to test for. First of all, it really depends on how much common knowledge you currently have. So for the sake of SCIENCE, we’ll work with what we like to call the Carrot Top unit of measure.

For example, ability to recite the whole alphabet is equivalent to 1 Carrot Top:


Ability to find your way back home is 2 Carrot Tops:


Ability to pee while not missing the bowl entirely is 1/2 Carrot Top:


And so on and so forth.

And not being able to come up with an original thought warrants the special rating of Carrot Top with Pie in Face (CTWPIF):


Now, if your Carrot Top rating goes way below half of a Carrot Top, or even the dreaded CTWPIF, then you better have your mail forwarded to the nearest zoo because that’s where you’ll be staying from now on.

Normally, people who can walk a straight line without bumping into things don’t have to worry about their Carrot Top levels. However, if somebody asks you “Hey, when’s your birthday?” and you suddenly answer “Orange!” then feel free to contact any of us to get your official Carrot Top rating.

What Next?

So your Carrot Top rating is dangerously low. What do you do? Your first impulse would be to create a blog and fill it up with content stolen from other blogs. But trust us, this is not the way to go.

Yes, we understand that you want to make others think that not only you can write a coherent sentence, but are able to come up with mildly entertaining blog entries, it would be better to refrain. Because you’re not fooling anybody. Also, plagiarizing is not the solution to de-evolving or “being a fat fattie” as it is known in the streets.

But if you do insist on creating a blog, don’t use a profile picture that hides most of your face with your elbow which rests on one of the ugliest canes on the internet.




Not only does it tell people how ugly your elbow is, but it also tells us that have a Mao Tse Tung-shaped growth coming out of your right shoulder. And nobody gets any respect from that. Even if your Mao Tse Tung growth can talk.

Sadly, the de-evolving process is irreversible. Once you’ve been diagnosed, there is no going back. Best thing to do is make peace with your fate, pack up on several dozen combs, and just don’t copy anybody’s work and pass it off as your own.

Look on the bright side, you’ll be eating healthier, you will get plenty of exercise swinging from tree branches, and best of all, you will lose all inhibitions about whacking off in public.

===

Note: Inspired by Jonathan Coulton’s awesome song:

************************************************

see also (as of today, 12:03am):

Ade, The Man Blog, Squid, Coco, Fritz, Peter Juan, Baddie, Steel, Pau

Monday, September 24, 2007

kc concepcion

Kagabi ko lang talaga na-appreciate si Maria Kristina Cassandra Concepcion (born April 7, 1985).

Nasulyapan ko kasi ang isang special feature about KC kagabi sa channel 2, “KC, From Paris To Pinas”. Tinalakay dun ang buhay ni KC sa Paris kung saan nagtapos sya ng kolehiyo kamakailan sa American University of Paris sa kursong BA in International Corporate Communications. Pinakita din ang mga huling araw nya sa France hanggang makauwi siya ng Manila.

Maganda si KC, no doubt. Pero dati, ang tingin ko sa kanya ay female version ng tatay nya, si Gabby. Sikat din naman sya dito sa Pinas pero hindi katulad ng kasikatan ng ilang teeny-bopper stars na talaga namang tinitilian ng mga fans mabanggit lang ang pangalan. Hindi naman kasi talaga showbiz si KC. Galing sa mga magulang nya ang koneksyon nya sa mundo ng showbusiness.

Teka, bago mapunta kung saan-saan ang walang direksyong pagsasalita ko, hayaan nyo munang ipaliwanag ko kung bakit ko nasabing na-appreciate ko na ang dalagang anak ni Ate Shawee. Simple lang, kasi may natapos syang kurso. Pinahalagahan nya ang pag-aaral, sa Poveda, sa International School, at nitong huli nga, sa AU of Paris. Kung gugustuhin nya, kahit hindi na sya mag-aral. Sa mga commercial endorsements pa lang, milyon na ang kikitain nya. Napakadali sa kanya kung gugustuhin niyang sumabak ng full-time sa showbiz. Hindi ko alam kung talented si KC gaya ng nanay nya pagdating sa pag-arte at pagkanta pero kayang-kaya nyang pekein ang kawalan ng talent (kung wala man) kagaya ng ginagawa nila Angel Locsin. May ka-love team na sana sya.

Kailangan talaga ng dedikasyon para makatapos ka ng isang kurso. Alam ko iyon dahil hindi ako nakatapos ng kolehiyo. Isa sa mga regrets ko sa buhay. Mas kinakailangan ng isang kagaya ni KC ng dedikasyon at tyaga sa pag-aaral dahil gaya nga ng sabi ko, kahit hindi na sya mag-college ay maagiging maginhawa na ang buhay nya, kayang-kaya naman niyang kumuha ng dalawang Ylmaz kung gugustuhin niya. Alam ba ninyong nag-working student pa siya sa Paris? Naunahan pa niyang makatapos si Sharon dahil si Ate Shawee, balik istudyante sa open university ng UP. Pag mayaman na ako, pramis, kukuha din ako ng diploma at di yung diplomang nabibili sa Recto ha.

Perfect recipe for disaster sana ang sitwasyon ni KC. Galing sa isang broken family, naghiwalay ang mga magulang nya sa kanyang murang edad. Lumaki sa spotlight ng media dahil sa kasikatan ng mga magulang. Mayaman. Walang responsibilidad na kailangang gampanan. Kug naging mahina ang resolve nya, isa sana siya sa maraming ehemplo ng mga anak ng mga sikat at mayayaman na nagwala, nagrebelde at nagtapon ng buhay. Pero tingnan naman natin kung nasan siya ngayon.

May nabasa ako dati na rumored na nagkaroon ng pagtitinginan dati si KC at ang dating vocalist ng Rivermaya, si Rico Blanco (I heard she’s dating a director, Lito Cayetano, these days, lucky bastard). Supposed to be, ginawa ni Rico ang mga kanta nilang “Bali Song” at “Imposible” para kay KC. Sinabi din ni KC na “Promil Kid” si Rico, meaning genius sya sa musika. Kung totoo man yun, nahalikan kaya ni Rico si KC?

Shit, sana naging sikat na rock star din ako.

To speak or not to; where to begin.
The way dilemmas I'm finding myself in.
For all I know you only see me as a friend.
I try to tell myself wake up fool;
this fairy tale's got to end.

Never in my life have I been more sure,
So come on up to me and close the door.
Nobody's made me feel this way before;
You're everything I wanted (more)

You're everything I wanted



watch the complete episode here : http://www.youtube.com/user/fairskin0614

Thursday, September 20, 2007

tawa naman diyan

EKAW BA’Y nag-iisa, nalolongkot at walang makasama? Aba’y madali lang yan, alamin mo lang ang pinakamainit na kaganapan sa bansa natin ngayon, ang sinasabing maanomalyang National Broadband Network deal at panigurado, maiiyak ka sa katatawa.

Recap muna. Ano ang NBN deal? Read HERE.

Eto ang mga pangyayaring napulot ka na totoong onli in da Pilipins:

Sept. 17 Monday, biglang umalis ng bansa si First Gentleman Mike Arroyo patungong Hong Kong sa di malamang dahilan. Humabol siya sa flight, 10 minutes before the plane took off. Bakit umalis? Walang totoong nakakaalam that time pero kinabukasan, nagkaraon ng ideya ang mga tao.

Kinabukasan kasi, nasa Senate investigation hearing ang anak ni House Speaker Joe de Venecia na si Joey, para bigyang linaw ang mga pagbubunyag nyang corruption sa ZTE NBN deal. Sa hearing na yun, papangalanan din niya ang sinasabing “Mystery Man” na nagsabi sa kanyang mag-back off na sa deal at hayaan na lang ang ZTE na nilakad ni Comelec Commish Abalos. Ang mystery man? Si FG Mke Arroyo. Pagkatapos nun, marami na ang nagka-idea kung bakit agad-agaran ang pagtakas pag-alis ni FG ng bansa.

Nagpatawa pa si Sen. Jinggoy Estrada during the hearing na ang Mystery Man pala ay ang Mister Ni Mam. Walang natawa sa Senado.

Ang pahayag ng abogado ni FG Mike Arroyo ay umalis ito for medical reasons. Ang pahayag naman ng doktor ni FG ay umalis ito hindi para takasan ang Senate hearings. Parang nabaligtad ang role nila ah?

Ang complain ng anak ni GMA na si Rep. Mikee Arroyo, bakit daw laging nadadawit sa mga anomalya ang pangalan ng tatay niya. Ibinalik ni Sir Butch ang tanong kay Mikee, “eh bakit nga kaya?” Nagpaka-showbiz naman si Sen. Escudero nang gayahin niya si Joey De Leon sa salitang "explain before you complain".

Ang bwelta ng anak nilang si Luli Arroyo, kasing nipis daw ng nakakalbong buhok ni Joey DV ang mga binitawan niyang akusasyon. How very regal.

Kanina naman sa second day ng Senate hearing, sinabi ng mga inimbitahang Palace officials na pagkatapos magkapirmahan ng agreement sa China between the two governments na sinaksihan pa ni GMA herself, nawala daw ang kopya ng kontrata ng RP Gov’t dahil may nagnakaw daw nito. Eh?

Tinanong din ng mga senador kung ilan daw ang kopya ng kontratang pinirmahan. Sabi ng Palace Official, isa lang daw. Kontrata, usually ay dalawa ang kopyang pinipirmahan. Biglang bawi ang nasabing opisyal, oo nga pala daw, may sarili ding kopya ang mga Chinese. Tanong ng isang senador kung bakit daw di tayo humingi ng kopya sa mga Chinese. Ang sagot ng opisyal, di daw pwede dahil nawawala din ang kopya ng kontrata ng mga Chinese. May nagnakaw din. Eh?

Tanga ba ang mga opsiyal na ito o akala nila ay tanga tayong mga Filipino?


***

Para sa transcript ng mga hearing na ito, basahin lang ang blog ni Manuel L. Quezon III.

Wednesday, September 19, 2007

public service para sa mga ngayon lang nakakapag-internet
(or why you wouldn't find "tagpos ulo titi" here)

“THE INTERNET is a wonderful thing” nasabi ko sa aking sarili habang nagse-search sa internet ng mga porns at sex videos paraan para masagip ang mga penguins sa North Pole. Boom na talaga ang internet sa Pilipinas lalo na sa bayan namin na kamakailan lang naging on-line sa mundo. Malaking tulong kasi ang internet lalo na sa mga mag-aaral. Kung dati ay kailangan pang mag-reseach sa encyclopedia sa library para sa mga projects at assignments, ngayon ay pwede ka ng mag Wikipedia, Yahoo! search or Google search habang nakikipag cyber sa inyong PC sa bahay.

May napansin lang ako habang sinisilip ko ang Site Meter na naka embed sa blog site ko. Nandun kasi ang mga “hits” sa aking blog at nakita ko dun kung ano ang mga sine-search ng mga students at papano sila napunta sa site ko. Example?

May nag-google search ng:

mga kauna unahang pilipino n nanalo sa pagandahan sa buong mundo

at ng:

kumpletong pangalan ni jose rizal

Wala akong naisulat tungkol sa kauna-unahang Filipino na nanalo sa isang beauty contest o kaya ay kung ano ang complete name ni Jose Rizal. Lumabas sa google search nya ang site ko dahil sa mga keywords nyang “pilipino”, “mundo” at “rizal” o alin man sa iba pang words na na-type nya sa search box.

Eto ang tip, mga kids. Kapag maghahanap kayo ng mga information, di nyo na kailangang isulat ang buong tanong. Piliin nyo lang ang mga key words para maging specific ang resulta ng search nyo. Halimbawa, yung unang naghahanap, pwede nyang i-type ang Binibining Pilipinas Universe. Dun sa result, makikita nya ang website ng Binibining Pilipinas at mababasa nya dun ang first Filipina who won, si Gloria Dia na naging Miss Univer. Sa pangalawang searcher, pwede niyang i-type ang Jose Rizal Biography. Sa ganitong paraan, mapapabilis ang pagre-research nyo at pwede ng makipag-chat ulit. Hindi na kailangang mapunta pa sa mga useless sites gaya ng sa akin.

Ang pinagtataka ko lang ay paano napunta sa site ko ang mga taong ito na naghahanap tungkol sa:

google.com.ph/search= sinyales sa pagiging buntis (nabuntis kaya sya ng BF nya?)

google.com/search = kagat labi dance (bagong pausong sayaw ni Joey De Leon)

google.com./search = hanapin ang mga larawan sex video (wala nito sa blog site ko dahil hinahanap ko din ang mga ito… ehek!)

yahoo.com/search = mga bagay na ginagamit ng pari sa pagmimisa (eh? wala din nito sa site ko)

Ito ang the best. Hindi ko din alam kung paano sya dinala ng Google sa blog site ko at kung bakit siya naghahanap ng ganito.

google.com.ph/search = tagpos ulo titi

Sunday, September 16, 2007

Rak en rol!

ETO ANG sinulat ko dati:

Favorite Singer = Martin Nievera, Gary V.
Bata pa ako nun at ang akala ko, cool ako kung ang dalawang songers na yun ang ilalagay kong sagot sa mga slum notes ng mga kaklase ko kahit pa hindi naman talaga ako fans ng mga kanta nila. Akala ko cool ako kasi ang karaniwang sinusulat nila ay Air Supply, REO Speedwagon, Journey, Michael Jackstone, Madonna. Eh ako, kakaiba, Pinoy. Yun pala, ang corny ko. Oo, batang 80’s ako, late 80’s
I sold my soul to the Devil, but music bought it back.
Wala lang, gusto ko lang siyang sabihin. Nakalimutan ko na rin kung sinong nagsabi nun. Pero totoo din sa isang banda, sinagip ng musika ang buhay ko. Loner ako at bago ko pa matuklasan ang therapeutic qualities ng pagsusulat at pagbabasa, pakikinig ng music ang tanging naging kasama ko. Tama ang sabi ni Liz, masarap kasama ang mga kanta.

Nadiskubre ko ang power ballads ng mga glam bands ng 90’s. Early 80's pa sila sa Tate pero 90's na nakarating sa Pinas. Bon Jovi, Warrant, Poison, Skid Row, Motley Crue at iba pang bandang mukhang poodle. Pero napansin ko ding mga power ballads lang ang magaganda sa kanila. Pasok ang Guns and welcome to the jungle. Napakinggan ko ang double-album ng Guns N’ Roses, ang Use You Illusion l and 2, at dito ko talaga napagtanto na gusto ko pala ang maiingay na mga banda. Bagay kasi ang mga kanta nila kung inlababo ka o kaya ay nagagalit. Mahirap kasing mag-emote ng galit habang nakikinig sa music ni Kenny G. Iniisip nyo siguro sex, drug and rock & roll? Hindi po, iba na. Sabi nga ni Ade, "porn, meds and rock n' roll".

Pati nga album cover ng Illusion, di ko pinatawad. Meron daw kasing devil sa cover na makikita mo lang kung alam mo paano hanapin. Tingnan nyo ang highlighted part ng Illusion 2 (pindot the picture), baligtarin nyo yun. Si Santi di ba?

Nang mapakinggan ko na at halos pagsawaan ang lahat ng mga kanta ng GNR, natural na maghanap ako ng ibang katunog, sa mga bagong banda at sa luma. Nandiyan na ang pagdating ng bagong music na tinawag nilang “grunge” (Nirvana, Pearl Jam etc) hanggang sa “alternative” at sa “emo” bands. Bumalik din ako sa nakaraan, The Ramones, Sex Pistols, Led Zep, Eric Clapton hanggang kay Jimi Hendrix. Ngayon, lahat ng uri ng kanta ay pinapakinggan ko at naa-appreciate. Isa lang ang requirement ko, na ang kumanta ng kanta ay ang sumulat din ng kanta. Singer/Songwriter ba, hindi lang basta maganda ang boses. Mas hinahanggan ko kasi yung nakakasulat ng sarili nilang kanta.

Habang lumalawak at lumalalim ang pinapakinggan ko, naramdaman kong kailangan kong malaman kung kanino nagsimula ang lahat. Para sa akin, ang paghahanap ko ay nagtapos sa Beatles.

Tingining Beatles yan, nasira ang pag-aaral ko gawa nila. Pano ba naman, napakasimple ng mga melodies at chords ng mga kanta nila, parang napakadali pang tumugtog tas ang daming mga nagtitiliang babae. Ayun, nabuo ang pangarap na mag-banda. Sinang-ayunan pa ng Eraserheads. Pangarap na nanatili na lamang pangarap. Pero marami din akong nagawang kanta nun, mga bente ata at yun ay sa chords pa lang na D-A-G-A at G-D-C. Yun nga lang, nakalimutan ko na ang mga tono. May nabasa pa naman akong sabi ng isang songwriter na kapag nakalimutan mo daw ang tono ng isang kantang nagawa mo, malamang ay walang kwenta ang piyesang iyon. Pakers.

Rak en Rol!

Saturday, September 15, 2007

Hindi About God

NAHIHIRAPAN AKONG magdasal. Hindi dahil sa dami ng kasalanan ko, hindi dahil sa hindi ako marunong, hindi dahil sa nagdadalawang isip ako kung meron ba o walang Diyos. Alam kong meron, dapat lang meron. Nahihirapan ako dahil may mga agam-agam at katanungan ako sa nakalakihan kong paraan ng pagdarasal.

Halimbawa, sa tinuro sa ating dasal na Ama Namin.
“Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo…”
Para sa akin, ang paggamit ng “ka” ay kawalan ng galang sa Diyos. Isipin na lang natin halimbawang may panauhin tayong isang matandang kakilala. Pagkakita natin sa kanya, ang sasabihin natin ay “Uy, kayo pala Mang Kulas. Tuloy po kayo. Ano pong kailangan nyo?” Bilang paggalang, gagamitin natin ang “kayo” dahil parang wala tayong galang kung ang sasabihin natin ay “Uy, ikaw pala Mang Gusting. Tuloy ka po. Ano pong kailangan mo?”

Mahilig din tayong mag-utos sa Diyos na para bang may utang na loob Sya sa atin. Sa panalanging-bayan sa misa, karaniwang maririnig natin ang dasal na “pagpalain Mo po Panginoon ang (blah blah blah)… Iligtas mo po sila sa (blah blah blah)…” o maging sa Ama namin, nandiyan ang “bigyan Mo po kami ng aming kakanin sa araw-araw, patawarin Mo po kami sa aming mga kasalanan…” Hindi ba parang inuutusan natin Siya? Alam kong hindi ganun ang ibig nating iparating subalit hindi naman siguro mahirap kung medyo i-edit natin ang dasal at gawing “pagpalain Mo po sana Panginoon ang (blah blah blah)… Nawa’y iligtas mo po sila sa (blah blah blah)…” Konting pagbabago pero malaki ang pinagkaiba. Sa pagdaragdag ng “sana” at “nawa”, nagiging request ang ating panalangin, na nasa Diyos pa din ang pagpapasya kung gagawin nga nya yun o hindi, ayon sa Kanyang mga plano para sa atin.

On a personal level, nahihirapan akong magdasal bago matulog sa gabi. Ini-intro-han ko ang dasal sa edited version ko ng Ama Namin. Pagkatapos ay magpapasalamat sa mga blessings na natanggap nang araw na iyon. Then, hindi ko na alam ang sasabihin. Hindi ako makahingi ng tawad sa mga kasalanan dahil sabihin ko man o hindi, alam kong alam na Niya kung pinagsisihan ko nga ba o hindi ang mga kasalanang iyon. Hindi naman sa malaki ang mga kasalanan pero sino ba namang tao ang hindi nakakagawa ng kasalanan sa bawa’t araw, gaano man kaliit? Hindi ko rin masabi ang aking mga kahilingan dahil baka ang hingin ko ay taliwas sa mga plano niya sa akin.

Kaya usually, pagkatapos ng Ama Namin at mga thank yous ko, sasabihin ko na lang na “Lord, alam Nyo na po kung ano ang nasa isip ko at ang nararamdaman ko. Kung ano man ang plano Nyo sa akin at sa mga mahal ko sa buhay, sana po ay magawa namin…” Yun lang then tapos na. Pakiramdam ko ay kulang ang dasal ko pero wala na akong ibang masabi. May mga pagkakataon din dati na nahihiya akong magdasal sa Kanya dahil may mga nagawa akong kasalanan dati na bagama’t alam kong mali ay patuloy ko pa ring ginagawa. Anong idadasal ko sa Kanya kapag ganun? “Sorry Lord pero gagawin ko ulit bukas..”? Ang iniisip ko nuon ay magdadasal na lang ako kapag tinigilan ko na ang kasalanan. Alam ko mali iyon.

Hindi rin ako sang-ayon sa pagdarasal tuwing may contests o tunggalian sa pagitan ng dalawang sides. Halimbawa sa basketball, pangkaraniwan ng nakikita natin ang nagdarasal na fans o players. Alam naman natin siguro kung anong dinarasal nila, na sana ay manalo sila. Pero makikita rin natin na ang kabilang kampo, nagdarasal din. Sino ngayon ang papakinggan ng Diyos? Di ba parang pine-pressure natin sya to choose? Okay lang sana kung ang dinarasal ay para walang masaktan pero alam nating hindi ganun. Dinarasal pa nga minsan na sana ay madulas ang kabilang player, hindi maka-shoot o kaya ay maagaw ang bola. Hindi ba pagdarasal yun ng kasamaan sa kapwa? :P

Sa mga gameshows naman, maririnig natin ang pagsambit sa pangalan ng Diyos at kung hindi ang ninanais ng contestant ang lumabas, para bang pinabayaan siya ng Diyos o hindi tinugon ang dasal. Para tuloy walang kwenta ang ginawang dasal. Sa dalawang example na ito, hindi kaya pwedeng sa simula at sa huli na lang ng contest magdasal at mag-enjoy na lang during the game? Ang unang dasal ay gabayan sana sila ng Diyos, ang huling dasal ay pasasalamat sa kung ano mang naging outcome ng contest.

Ang isa pang pinagtataka ko ay ang pagsambit sa ngalan ng Diyos habang nakikipag-sex.
“Oooooh God… unghhhhh… ahhhh… Yeeesssss, oh God…”

Alam ng Diyos na hindi naman talaga ako relihiyosong tao at ito ay ang mga naiisip ko lamang.

Friday, September 14, 2007

Ang Babae Ay Parang Cellphone
parehong pinipindot
masarap pindutin
kailangan nga lang ng load palagi

AYON KAY Bebang, parang pakikipagbreak daw sa karelasyon ang mawalan ng cellphone. Nuon lang ako nakabasa ng paghahambing ng cell sa pag-ibig. Sige nga, tingnan ko nga kung pwede.

Huli na ako nang magkaroon ng cellphone. Meron na ang karamihan, tsaka pa lang ako nasabihang “mobile” ang buhay. Pero Nokia 3210 na ang cellphone ko nun, habang ang karamihan ay malaki at may antenna ang CP, yun bang Nokia 5110. Maganda ang 3210 nuon, masarap hawakan at ipang-text. Text lang, mahal kasi ang call. Nuon ko nalaman na masarap pala talaga ang may cellphone. Laging excited kapag tumutunog ang monotone na ringtone, tinitingnan agad kung sino ang nagtext. Galing lang pala sa Globe. Guilty din ako sa style na nagkukunwaring may tumawag sa aking cellphone at kinakausap ang “caller” pero ang totoo, gusto lang ipagyabang na “hoy, tingnan nyo ako, may cellphone na ako!” Nawalay lang ako sa cell kong ito nang mawala ang cell ng tatay ko at hiramin (na wala ng balikan) ang aking 3210 dahil mas kailangan daw nya yun kesa sa akin.

Pagdating sa pag-ibig, huli na rin ako nang mainlababo. Habang ang karamihan ay na broken-hearted na, ako ay bago palang tumitibok ang puso at kumikislot ang-- uhmmn… uhhh… anyway, nang malaman kong may pagtingin din pala sya sa akin, nuon ko din lang nalaman na masarap pala talagang ma-in love. Laging excited kapag nakikita at naririnig ang kanyang boses. Syempre, style na rin ang magpa-cute lagi tuwing nasa paligid sya. Ngunit gaya ng aking cellphone, hindi rin nagtagal ang aming pagsasama. Iba kasi ang relihiyon nya at di pwedeng makipagrelasyon sa iba ang paniniwala.

Siguro ay dapat pinaglaban ko ang pag-ibig namin, gaya ng dapat sigurong pinaglaban ko ang aking cell sa tatay ko. Ngunit sa akin, alam kong di talaga kami para sa isa’t-isa; kami ng girl at kami ng 3210 ko. Alam kong mas kailangan nga ng tatay ko ang cellphone at kami nung girl, alam kong di namin kayang talikuran ang mga nakagisnan namin relihiyon. Ito siguro ang dahilan kaya di ganung kasakit ang pagkakawalay ko sa dalawang iyon.

Ang sumunod kong cellphone ay Nokia 3310 habang ang karamihan ay 3210 naman. Nawala din ang cp kong ito. Nakasakay ako nuon sa tricycle at maluwag ang bulsa ko sa pantalon. Lumipas lang ang kalahating oras pagkababa ko nang mapansin kong nawawala ang cellphone kong nasa bulsa. Patay. Hindi na ako umaasang makikita pang muli ang cell ko ngunit alam kong kailangan kong subukan man lang hanapin. Tinunton ko ang tricycle na nasakyan ko (wala daw siyang nakita— natural). Tinawagan ko din ang cell ko, may sumagot ngunit ayaw namang magsalita. Ang narinig ko ay umiiyak na baby. Mauubos lang ang load ng cell ng kaibigan ko. Tinext ko na lang, nakiusap na ibalik ang cell o kaya ay ang SIM na lang (mahalaga din ang SIM lalo na kung nandun lang ang kopya ng numbers ng mga textmates at kakilala). Walang sagot. Shieeet! Hindi nakuha sa santong dasalan, gamitan ng pananakot. Tinakot ko din yung nakakuha ng cell ko na ibalik ang cellphone kung hindi ay ipatutunton ko sa kakilala kong pulis na matulis. No effect. Sabagay, tanga lang ang mananakot ng ganun at tanga din ang maniniwala.

Nokia 6610 ang sumunod (oo, Nokia lagi. Kami kasi ang may-ari ng Nokia) kong cp. Matagal na kaming magkasama ng cell na ito. Mahaba na ang aming pinagsamahan. Reliable. Muntik ko nga lang maiwala ito sa isang inuman. Buti at nakuha ko pa ulit. Meron na din akong O2 XDA ngayon, isang PDA phone. May nagregalo lang naman. Medyo may kamahalan na at hi-tech pero sa totoo, di naman talaga ako mahilig sa magagarang cellphone. Basta nakakatawag, nakakatext eh ayos na ako dun. Hindi rin ako mahilig magpalit-palit ng casing.

May kaugnayan pa ba ito sa relasyon? Hmmmnnn… konti na lang ata.

Gaya sa cellphones, hindi rin ako mahilig sa magagandang babae. Mas gusto ko yung masarap, masayang kasama. Yun bang nagkakaintindihan kami sa mga tinginan at ngitian pa lang. Pero ang pangalawang babaeng nagpa-inlababo sa akin, pre, maganda talaga sya. Kumbaga sa cellphone, isa siyang Apple iPhone. Ipagmamalaki mo talaga kapag sabay kayong naglalakad. Madami din siyang features, pwede sa turo-turo, pwede sa fine dining. Oo, naging kami nung girl at kami pa rin. Pero gaya ng 6210 ko, muntik na din siyang mawala sa akin dati. Tanga-tanga ko kasi, hindi ako nag-iisip.

Ngayon, alam ko ng kailangan nating alagaan ang cellphone at ang taong minamahal natin sa tuwina dahil maaaring sa isang pagkakamali lang, hindi mo na iyon muling makikita pa.


Oh, may co-corny pa ba sa post na to?

Thursday, September 13, 2007

Jose Pidal Next?

MAGIGING MATAGAL pa ang usapin tungkol sa pangyayari kahapon. Marami pang kuro-kuro, opinyon at sariling pananaw (di ba pare-pareho lang yun?) ang masasabi at maisusulat tungkol sa resulta ng kaso ni dating presidente Erap Estrada.

May mga nagsasabing naaawa sila kay Erap. Hindi ko nasubaybayan ang anim na taong tinakbo ng paglilitis sa Sandiganbayan subalit sa tingin ko lang, guilty talaga si Erap sa pagpapayaman niya ng sarili. Likas na sa ating mga Filipino ang ugaling maawain lalo na sa mga malalaking personalidad. Marami ang nagsasabing ibalik na lang nya ang mga yamang kinuha nya at pwede na siyang makalaya, quits na. Para sa akin, mahirap kaawaan ang isang taong may P3.2 BILLION sa Jose Velarde account nya sa PCI-Equitable bank. Nakapamuhay siya at ang kanyang pamilya ng magara dahil sa mga perang ito. Naging pabaya sya, nahuli siya kaya sorry na lang. History na ang maghuhusga sa kanya balang araw. Nakakaawa kung wala talaga siyang kasalanan pero ayon sa mga nababasa natin at sa kinalabasan ng kaso, guilty talaga.

Madami din ang nagbubunyi (lalo na sa Malakanyang) at sinasabing nagpapatunay lang ito sa katatagan at maturity ng ating justice system, na sinasabing dapat tayong maging proud dahil napatunayan daw natin sa buong mundo na kaya nating mag-convict ng isang dating presidente sa isang criminal offense.

Duh!

Eh ano ng nangyari sa Jose Pidal case at sa iba pang kinasasangkutan ng Arroyo family? Sa kaso ni Hernani Perez na pagkatapos ng anim na taon ay nasa preliminary hearing pa lamang? Ni Jocjoc Bolante na sangkot sa fertilizer scam? Sa walang kamatayang Hello Garci? At ngayon nga ay sa mainit-init pang $329-million National Broadband Network deal with China’s ZTE Corp., na sinasabing overpriced dahil malaki ang komisyon ni Comelec chair Benjamin Abalos ayon na rin sa pagbubulgar ng anak ni House Speaker JDV. Eh ang maanomalyang $460-million Cyber Education Program? Dahil ba malapit sila sa palasyo?

Imbis na linawin ang mga bagay na ito, ang sagot ng Malakanyang ay ang illegal na EO 464 na naglalayong pigilan ang mga matataas na opisyal ng Malakanyang at ng military na pumunta sa mga Senate inquiries kung walang pahintulot ng presidente, na naglalayon sanang bigyang linaw ang mga bagay na ito.

Oo nga, na-convict natin si Erap pero masasabi lamang nating matatag nga ang justice system kapag hindi lamang ang mga kalaban ng gobyerno ang ating naipakulong, maging yung nasa loob at paligid sana ng Malakanyang.

Dahil kung ating susuruin, ano ang pagkakaiba ni Jose Velarde kay Jose Pidal?

Wednesday, September 12, 2007

Pare, Erap Guilty

HINDI KO NA ipagsisigawan dahil sigurado akong alam na alam nyo na ang balita kung may TV kayo, dyaryo, radyo o internet connection. Guilty sa kasong pandarambong o plunder si dating-artista-dating-mayor-dating-senador-dating-bise-presidente-dating-presidente Joseph “Erap” Estrada. Pero ilan sa atin ang tunay na nakakaintindi sa kaso? Marami sa mga Erap supporters na nagpunta sa Sandiganbayan kanina ang in-interview sa TV, tinanong kung anong pakaintindi nila sa “plunder”. May nagkamot ng ulo, may umaming di nila alam at meron din namang ang akala ay tungkol iyon sa maraming babae ni Erap. Nyaahhh! Hindi ako nag-aral ng law pero eto ang pagkakaalam ko sa mga pangyayari kahapon.

Not guilty sa kasong plunder sila Sen. Jinggoy Estrada at dating presidential legal counsel Edward Serapio.

Not guilty din si Erap sa kasong perjury o pagsisinungaling sa korte tungkol sa maling assets and liability na kanyang sinabi dahil hindi napatunayan ng mga prosecutors na ginawa iyon ni Erap “with criminal intent”.

Not guilty din si Erap tungkol sa P130 million Tobacco Excise Tax na sinasabi ni Ilocos Gov. Luis “Chavit” Singson na binigay niya kay Erap sa pamamagitan ni sinasabing gambling lord Charlie “Atong” Ang, na kaibigan ni Erap. Ayon sa Sandiganbayan judges, hindi napatunayan ng mga prosecutors na kay Erap nga napunta ang pera.

Guilty ang dating presidente sa kasong pagtanggap ng Jueteng payola na nagkakahalaga ng P545.3 million, kasama na ang P200 million na dineposito sa Erap Muslim Youth Foundation na pinamumunuan ni Atty. Edward Serapio.

Guilty din si Erap sa pagtanggap ng komisyon na nagkakahalaga ng P189 million sa pagpwersa nya sa GSIS at SSS na bumili ng shares ng private company na Belle Corporation. Dito sya na-convict sa kasong plunder dahil pera ng gobyerno ang ginamit sa pagbili ng shares na tumanggap sya ng komisyon.

Ang parusa ay Reclusion Perpetua o pagkakabilanggo ng hindi hihigit sa 40 years. Sinabi ni Erap lawyer dating senador Rene Saguisag na handang magpakulong si Erap sa Muntinlupa Penitentiary kanina din subalit inutos ng Sandiganbayan na ibalik si Erap sa house arrest sa mansyon nito sa Tanay, Rizal hanggat hindi nila inuutos na ilipat na si Erap. Nag-apila na rin ang kampo ni Erap sa Supreme Court na sinasabing maaaring umabot ang review ng kaso mula 1 hanggang 3 taon pa.

In the meantime, abangers muna tayo sa mga susunod na kaganapan.

Tuesday, September 11, 2007

Bastos!

KAMAKAILAN AY napanuod ko sa QTV channel 11 news ang pag-aresto/pag-imbita kay Mark Verzo, sinasabing gumawa ng boybastos.com. Naikwento ko ito sa BF ko (blog friend) at marami siyang naging katanungan sa akin.

Unang-una, bakit daw sa QTV ako nanunuod ng balita? “Eh?” Wala kasi kaming cable at wala ng ibang mapanuod sa TV tsaka maganda naman manuod sa Q. Tahimik lang ang mga mapapanood mo dun, walang maiingay na hyperactive hosts at studio audiences na pumapalakpak sa ibabaw ng ulo nila.

Pangalawang tanong nya, sino si Mark Verzo at ano yung boybastos.com? Hindi ko kilala yung Mark na yun. Sa news clip ko lang sya nakita at nalamang gumawa daw ng boybastos.com, ngingiti-ngiti pa nga sya ng ilabas ng NBI operatives sa bahay niya sa Ayala, Alabang Sosi. Narinig ko na dati pa yang website na yan subalit hindi ko pinag-aksayahang bisitahin dahil ang pagkakaalam ko ay isa lang ito sa maraming pinoy free porn sites sa internet. Ooops, nanunuod din ako ng mga porn at sex scandal clips at may iba akong pinagkukuhanan ng rasyon ko kaya di ko na naisipang sumilip sa boybastos site. Pagkatapos kong mapanood ang news, nagmamadali akong nag online at ni-type ang website. Tama ako, katulad din lang ito ng ibang porn sites. Medyo “tame” pa nga kumpara sa iba. May mga picture galleries ng mga hubo, may sex video sections at mga links papunta sa ibang porn sites. Teka, teka, bumalik ka dito hoy. Tapusin mo muna ito. Wag mo ng hanapin ang boybastos.com dahil sarado na ang site, blank page na lang ang iyong makikita.

Pangatlong tanong, kung kumain na daw ba ako? Sabi ko ay oo, ang sweet mo naman, pero di na mahalaga yun.

Huling tanong niya ay kung inaresto ba o inimbitahan lang ng NBI? Yan ang hindi ko nasagot sa BF ko dahil hindi ko rin talaga alam. Sa katotohanan, in fact, medyo malabo ang detalye ng balita. Hindi kasi sinabi kung bakit inaresto/inimbitahan si Boy at kung anong charges ang ipapataw sa kanya kung may isasampa nga ba. Ang nakita ko lang ay inaalalayan siya ng mga NBI palabas ng bahay, kinumpiska pa ang computer nya. “Inaresto/inimbitahan”- parang pareho lang naman, basta dinampot siya ng NBI. Nagtataka pa ako kung bakit dala pa ng NBI agents ang monitor ni Mark gayung yung CPU lang naman ang mahalaga at mapagkukuhanan nila ng information.

Malabo pa sa ihi ng babaeng bagong panganak ang balita. Dahilan nito, naglilibot-libot ako sa internet at inalam ang mga dapat malaman. Dun ko nabasa na si Sen. Loren Legarda pala ang nag-undyok sa mga concerned ahensya ng gobyerno (NBI at Inter-Agency Council Against Trafficking (Iacat) na imbistigahan at ipasara ang boybastos.com dahil naghahasik daw ito ng child pornograhy at maaaring sabwat din sa tafficking of women. Imbis na matakot, parang nang-asar pa si Boy Bastos dahil hinamon pa nya sa website si Sen. Legarda na subukang hulihin siya kung kaya nito. Nagpasalamat pa sa free publicity na binigay ng senadora. May “P.S. Tsiks si Loren” pa sa huli.

Ngunit iba-iba din ang info na nabasa ko. Di rin malaman kung inaresto nga ba o inimbitahan lang. May nakasulat dun na sabi raw ng isang NBI official na wala pang batas ang Pilipinas tungkol sa internet fraud and pornography. Ngunit may sinasabi ding may authored bill daw si Loren tungkol dito. Pero bill pa lang naman ito, hindi pa law. Iba’t-ibang blogs at forums na ang binasa ko, may mga simpleng boggers, may lawyers, may mga siryoso at mga nagpapatawa lang, may sumusuporta kay Boy, may bumabatikos at vice versa din sa ginawa ni Loren.

What’s my take on these?

Sa tingin ko ay naging pabaya si BoyBastos at naging kumpiyansa masyado. Hindi na rin sana niya “inasar” si Loren. Bastos tayo, pero hindi mayabang. Sana ay nagpalamig muna siya indefinitely habang mainit ang issue. Inintay na lamang sana niyang magkaroon ng bagong mas malaking issue. Tingnan natin ang Wowowee Scandal, may naririnig pa ba tayong balita dito? Wala na masyado, di ba? Natabunan na ito ng pagbubuntis ni Camille Pratts hehe Sana ay sinara na lang muna niya ang website at nilinis ang mga bagay-bagay na makakapagturo na siya nga ang gumawa nuon. After a few weeks, happy-happy na ulit sana ang mga boys bastos. Sinara lang nya kasi ng sandali.

May mga bumatikos din kay Sen. Legarda na nag-ga-grandstand lang daw ito dahil sana raw ay sa concerned gov’t agencies nya iyon sinabi at hindi sa media. Mas sincere pa raw sana ang dating at hindi “nagpapaganda” lang sa mga botante para sa 2010. Para sa akin, hindi rin natin masisisi si Loren dahil politician sya at para mag-survive sya sa politics, kailangan niyang gawin iyon. It’s the nature of the beast, the beast here is the old political system natin, hindi si Loren ha. Mag-isip tayo ng mga senador na sa tingin natin ay walang ginagawa sa Senado. Di ba sila yung mga taong wala tayong naririnig na kahit na ano? Malay ba natin na madami na pala itong naipasang batas? Basta ang alam ng karaniwang botante, tahimik sila, walang ginagawa. Kaya di rin natin masisisi yung mga politicians at elected officials na mag-ingay o ilagay ang mga larawan nila at pangalan sa malalaking signs na nagsasabing ginagawa ang isang public project “thru the effort of…” nila.

Ang huli kong nabalitaan, pinalaya na din si Mark Verzo ngunit patuloy pa ding ini-imbestigahan ng NBI ang kaso. Pinasara din muna ang website pending the outcome of the case.

In the meantime, papano ang mga parokyano ng boybastos.com? No problemo, marami namang ibang pinoy porn sites sa internet. Gaya DITO o DITO, pwede din DITO at ang the best, DITO.