Thursday, October 4, 2007

nasaan si kabayan?



Nasaan na ang bise-presidente ng bansa natin, si kabayan Noli De Castro, sa mga panahong ito na higit nating kinakailangang marinig ang kanyang boses? Nasaan na ang boses niya na naging pamilyar sa atin tuwing binabati tayo ng “Magandang gabi, bayaaAAAaannn…”?

Sir, nasaan na kayo? Ngayon nyo kilangang ipakita ang leadership qualities nyo, sa mga panahon na ito na maraming katanungan tungkol sa pinakamataas na pinuno ng Pilipinas. Sa mga panahong ito na maraming issues laban sa gobyernong kinasasapian nyo. Oo, marami din sa mga Filipino ang tinatawaran ang kakayahan nyong mamuno kahit pa binoto kayo bilang pangalawang pangulo ng bansa. Kung may panahon na kailangan nyong patunayan na mali ang pananaw na iyon sa inyo, Sir, ito na ang tamang panahon. Ngayon namin higit na kailangang marinig ang inyong boses.

Nawawala na ba ang boses nyo? Kung mawawala ng tuluyan ang inyong boses, may silbi pa ba kayo?

“The hottest place in Hell is reserved for those who remain neutral in times of great moral conflict” - Martin Luther King, Jr.

8 comments:

The Nashman said...

oo nga ano...halos makalimutan na natin ang number one customer ng tancho pomade....

asan na kaya siya? ibig mong sabihin ay yung mga pagbatikos nya noon sa korupsyon ay show lang???

blogstalker said...

Alam ko kung nasan sya.. naghahanda na yun sa susunod na eleksyon:D

Anonymous said...

nakita ko sya katabi ni Pacman weeee

paolo said...

nash, malamang sa show nga lang nya yun...

blogstalker, the way he's "leading" us, he will need a lot of preparation for the next election

anonymous, oo nga, tinamaan ng magaling, nanonood pala ng boxing

Philippine Updates said...

PENS SETER SI KABAYAN (fence seater)

paolo said...

kung di sya kikilos dun, sana mahulog na lang sya ala humpty dumpty nyuknyuknyuk

someone you dont like.. said...

the good guys doesn't need publicity to do their jobs, they just do it.. beside tv and paper only report the bad side of life, crime, accident, tv hugging politician, death, natural disaster etc.. it just sells more..

chaty said...

yah ryt???!!!