Thursday, September 20, 2007

tawa naman diyan

EKAW BA’Y nag-iisa, nalolongkot at walang makasama? Aba’y madali lang yan, alamin mo lang ang pinakamainit na kaganapan sa bansa natin ngayon, ang sinasabing maanomalyang National Broadband Network deal at panigurado, maiiyak ka sa katatawa.

Recap muna. Ano ang NBN deal? Read HERE.

Eto ang mga pangyayaring napulot ka na totoong onli in da Pilipins:

Sept. 17 Monday, biglang umalis ng bansa si First Gentleman Mike Arroyo patungong Hong Kong sa di malamang dahilan. Humabol siya sa flight, 10 minutes before the plane took off. Bakit umalis? Walang totoong nakakaalam that time pero kinabukasan, nagkaraon ng ideya ang mga tao.

Kinabukasan kasi, nasa Senate investigation hearing ang anak ni House Speaker Joe de Venecia na si Joey, para bigyang linaw ang mga pagbubunyag nyang corruption sa ZTE NBN deal. Sa hearing na yun, papangalanan din niya ang sinasabing “Mystery Man” na nagsabi sa kanyang mag-back off na sa deal at hayaan na lang ang ZTE na nilakad ni Comelec Commish Abalos. Ang mystery man? Si FG Mke Arroyo. Pagkatapos nun, marami na ang nagka-idea kung bakit agad-agaran ang pagtakas pag-alis ni FG ng bansa.

Nagpatawa pa si Sen. Jinggoy Estrada during the hearing na ang Mystery Man pala ay ang Mister Ni Mam. Walang natawa sa Senado.

Ang pahayag ng abogado ni FG Mike Arroyo ay umalis ito for medical reasons. Ang pahayag naman ng doktor ni FG ay umalis ito hindi para takasan ang Senate hearings. Parang nabaligtad ang role nila ah?

Ang complain ng anak ni GMA na si Rep. Mikee Arroyo, bakit daw laging nadadawit sa mga anomalya ang pangalan ng tatay niya. Ibinalik ni Sir Butch ang tanong kay Mikee, “eh bakit nga kaya?” Nagpaka-showbiz naman si Sen. Escudero nang gayahin niya si Joey De Leon sa salitang "explain before you complain".

Ang bwelta ng anak nilang si Luli Arroyo, kasing nipis daw ng nakakalbong buhok ni Joey DV ang mga binitawan niyang akusasyon. How very regal.

Kanina naman sa second day ng Senate hearing, sinabi ng mga inimbitahang Palace officials na pagkatapos magkapirmahan ng agreement sa China between the two governments na sinaksihan pa ni GMA herself, nawala daw ang kopya ng kontrata ng RP Gov’t dahil may nagnakaw daw nito. Eh?

Tinanong din ng mga senador kung ilan daw ang kopya ng kontratang pinirmahan. Sabi ng Palace Official, isa lang daw. Kontrata, usually ay dalawa ang kopyang pinipirmahan. Biglang bawi ang nasabing opisyal, oo nga pala daw, may sarili ding kopya ang mga Chinese. Tanong ng isang senador kung bakit daw di tayo humingi ng kopya sa mga Chinese. Ang sagot ng opisyal, di daw pwede dahil nawawala din ang kopya ng kontrata ng mga Chinese. May nagnakaw din. Eh?

Tanga ba ang mga opsiyal na ito o akala nila ay tanga tayong mga Filipino?


***

Para sa transcript ng mga hearing na ito, basahin lang ang blog ni Manuel L. Quezon III.

5 comments:

Eh? said...

:D

The Nashman said...

dapat gumawa ng nobela na si luli arroyo ang bida dahil palengkera rin pala siya (no offense sa mga maglalako sa palengke na mahal ko)

paolo said...

basapa, buti nakita mo ko dito hehe bagong buhay muna ako. i closed down the confession :)

nash, nagulat nga ako sa sinabi nya. i thought she's the most level-headed, sensible of the family. nobela? as you suggested kay sir butch, it's a good plot for a novel nga. kaso kung ako ang susulat, di sya bagay sa mga stories ko hahaha not ate "J" material.

The Nashman said...

obvious ba? kaya naman walang pumapatol doon eh sobrang panget nya....

paolo said...

hahahaha no comment. baka makasuhan tayo ng destabilization ek-ek...