Sunday, September 16, 2007

Rak en rol!

ETO ANG sinulat ko dati:

Favorite Singer = Martin Nievera, Gary V.
Bata pa ako nun at ang akala ko, cool ako kung ang dalawang songers na yun ang ilalagay kong sagot sa mga slum notes ng mga kaklase ko kahit pa hindi naman talaga ako fans ng mga kanta nila. Akala ko cool ako kasi ang karaniwang sinusulat nila ay Air Supply, REO Speedwagon, Journey, Michael Jackstone, Madonna. Eh ako, kakaiba, Pinoy. Yun pala, ang corny ko. Oo, batang 80’s ako, late 80’s
I sold my soul to the Devil, but music bought it back.
Wala lang, gusto ko lang siyang sabihin. Nakalimutan ko na rin kung sinong nagsabi nun. Pero totoo din sa isang banda, sinagip ng musika ang buhay ko. Loner ako at bago ko pa matuklasan ang therapeutic qualities ng pagsusulat at pagbabasa, pakikinig ng music ang tanging naging kasama ko. Tama ang sabi ni Liz, masarap kasama ang mga kanta.

Nadiskubre ko ang power ballads ng mga glam bands ng 90’s. Early 80's pa sila sa Tate pero 90's na nakarating sa Pinas. Bon Jovi, Warrant, Poison, Skid Row, Motley Crue at iba pang bandang mukhang poodle. Pero napansin ko ding mga power ballads lang ang magaganda sa kanila. Pasok ang Guns and welcome to the jungle. Napakinggan ko ang double-album ng Guns N’ Roses, ang Use You Illusion l and 2, at dito ko talaga napagtanto na gusto ko pala ang maiingay na mga banda. Bagay kasi ang mga kanta nila kung inlababo ka o kaya ay nagagalit. Mahirap kasing mag-emote ng galit habang nakikinig sa music ni Kenny G. Iniisip nyo siguro sex, drug and rock & roll? Hindi po, iba na. Sabi nga ni Ade, "porn, meds and rock n' roll".

Pati nga album cover ng Illusion, di ko pinatawad. Meron daw kasing devil sa cover na makikita mo lang kung alam mo paano hanapin. Tingnan nyo ang highlighted part ng Illusion 2 (pindot the picture), baligtarin nyo yun. Si Santi di ba?

Nang mapakinggan ko na at halos pagsawaan ang lahat ng mga kanta ng GNR, natural na maghanap ako ng ibang katunog, sa mga bagong banda at sa luma. Nandiyan na ang pagdating ng bagong music na tinawag nilang “grunge” (Nirvana, Pearl Jam etc) hanggang sa “alternative” at sa “emo” bands. Bumalik din ako sa nakaraan, The Ramones, Sex Pistols, Led Zep, Eric Clapton hanggang kay Jimi Hendrix. Ngayon, lahat ng uri ng kanta ay pinapakinggan ko at naa-appreciate. Isa lang ang requirement ko, na ang kumanta ng kanta ay ang sumulat din ng kanta. Singer/Songwriter ba, hindi lang basta maganda ang boses. Mas hinahanggan ko kasi yung nakakasulat ng sarili nilang kanta.

Habang lumalawak at lumalalim ang pinapakinggan ko, naramdaman kong kailangan kong malaman kung kanino nagsimula ang lahat. Para sa akin, ang paghahanap ko ay nagtapos sa Beatles.

Tingining Beatles yan, nasira ang pag-aaral ko gawa nila. Pano ba naman, napakasimple ng mga melodies at chords ng mga kanta nila, parang napakadali pang tumugtog tas ang daming mga nagtitiliang babae. Ayun, nabuo ang pangarap na mag-banda. Sinang-ayunan pa ng Eraserheads. Pangarap na nanatili na lamang pangarap. Pero marami din akong nagawang kanta nun, mga bente ata at yun ay sa chords pa lang na D-A-G-A at G-D-C. Yun nga lang, nakalimutan ko na ang mga tono. May nabasa pa naman akong sabi ng isang songwriter na kapag nakalimutan mo daw ang tono ng isang kantang nagawa mo, malamang ay walang kwenta ang piyesang iyon. Pakers.

Rak en Rol!

7 comments:

Ms Raven Sparrow said...

gusto ko din sa gary v hanggang ngayon. fave ko yung kanta nyang "natutulog ba ang Diyos?"

The Nashman said...

actually, yung illusion cover na iyon pag fi-nold mo across sa taong nakadekwatro at ilagay ng 90% sa salamin, lalabas ang missionary sex position

slash said...

puta mga pare, matagal din akong naging fans nila axl pero ngayon ko lang nalaman yang mga yan na nasa cover bwahahaha mahanap nga yun mga tapes ko ng GNR at titingnan ko

paolo said...

raven, sa movie din yun, no?

nash, d ko alam yun ah... devil ang nakita ko, ikaw missionary position... hmmmnn...

slash, hindi pa ba CD hehe

Ms Raven Sparrow said...

oo may movie din sya. may anak sya dun eh. pero ngayon may soap opera na din ata parang nakita kng ipinalabas eh.

paolo said...

huuuuusss, aminin mo ng nanunuod ka ng soap na yun, kung ano man yun :P

Raven said...

sa maniwala kat sa hindi wala kaming tv sa bahay. radyo lang ang gumagana dun. tsaka pano ako manood eh ang pasok ko sa opisina eh 4pm-1am. kung may oras akong manood malamang lahat ng soap opera napanood ko :D