Saturday, September 15, 2007

Hindi About God

NAHIHIRAPAN AKONG magdasal. Hindi dahil sa dami ng kasalanan ko, hindi dahil sa hindi ako marunong, hindi dahil sa nagdadalawang isip ako kung meron ba o walang Diyos. Alam kong meron, dapat lang meron. Nahihirapan ako dahil may mga agam-agam at katanungan ako sa nakalakihan kong paraan ng pagdarasal.

Halimbawa, sa tinuro sa ating dasal na Ama Namin.
“Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo…”
Para sa akin, ang paggamit ng “ka” ay kawalan ng galang sa Diyos. Isipin na lang natin halimbawang may panauhin tayong isang matandang kakilala. Pagkakita natin sa kanya, ang sasabihin natin ay “Uy, kayo pala Mang Kulas. Tuloy po kayo. Ano pong kailangan nyo?” Bilang paggalang, gagamitin natin ang “kayo” dahil parang wala tayong galang kung ang sasabihin natin ay “Uy, ikaw pala Mang Gusting. Tuloy ka po. Ano pong kailangan mo?”

Mahilig din tayong mag-utos sa Diyos na para bang may utang na loob Sya sa atin. Sa panalanging-bayan sa misa, karaniwang maririnig natin ang dasal na “pagpalain Mo po Panginoon ang (blah blah blah)… Iligtas mo po sila sa (blah blah blah)…” o maging sa Ama namin, nandiyan ang “bigyan Mo po kami ng aming kakanin sa araw-araw, patawarin Mo po kami sa aming mga kasalanan…” Hindi ba parang inuutusan natin Siya? Alam kong hindi ganun ang ibig nating iparating subalit hindi naman siguro mahirap kung medyo i-edit natin ang dasal at gawing “pagpalain Mo po sana Panginoon ang (blah blah blah)… Nawa’y iligtas mo po sila sa (blah blah blah)…” Konting pagbabago pero malaki ang pinagkaiba. Sa pagdaragdag ng “sana” at “nawa”, nagiging request ang ating panalangin, na nasa Diyos pa din ang pagpapasya kung gagawin nga nya yun o hindi, ayon sa Kanyang mga plano para sa atin.

On a personal level, nahihirapan akong magdasal bago matulog sa gabi. Ini-intro-han ko ang dasal sa edited version ko ng Ama Namin. Pagkatapos ay magpapasalamat sa mga blessings na natanggap nang araw na iyon. Then, hindi ko na alam ang sasabihin. Hindi ako makahingi ng tawad sa mga kasalanan dahil sabihin ko man o hindi, alam kong alam na Niya kung pinagsisihan ko nga ba o hindi ang mga kasalanang iyon. Hindi naman sa malaki ang mga kasalanan pero sino ba namang tao ang hindi nakakagawa ng kasalanan sa bawa’t araw, gaano man kaliit? Hindi ko rin masabi ang aking mga kahilingan dahil baka ang hingin ko ay taliwas sa mga plano niya sa akin.

Kaya usually, pagkatapos ng Ama Namin at mga thank yous ko, sasabihin ko na lang na “Lord, alam Nyo na po kung ano ang nasa isip ko at ang nararamdaman ko. Kung ano man ang plano Nyo sa akin at sa mga mahal ko sa buhay, sana po ay magawa namin…” Yun lang then tapos na. Pakiramdam ko ay kulang ang dasal ko pero wala na akong ibang masabi. May mga pagkakataon din dati na nahihiya akong magdasal sa Kanya dahil may mga nagawa akong kasalanan dati na bagama’t alam kong mali ay patuloy ko pa ring ginagawa. Anong idadasal ko sa Kanya kapag ganun? “Sorry Lord pero gagawin ko ulit bukas..”? Ang iniisip ko nuon ay magdadasal na lang ako kapag tinigilan ko na ang kasalanan. Alam ko mali iyon.

Hindi rin ako sang-ayon sa pagdarasal tuwing may contests o tunggalian sa pagitan ng dalawang sides. Halimbawa sa basketball, pangkaraniwan ng nakikita natin ang nagdarasal na fans o players. Alam naman natin siguro kung anong dinarasal nila, na sana ay manalo sila. Pero makikita rin natin na ang kabilang kampo, nagdarasal din. Sino ngayon ang papakinggan ng Diyos? Di ba parang pine-pressure natin sya to choose? Okay lang sana kung ang dinarasal ay para walang masaktan pero alam nating hindi ganun. Dinarasal pa nga minsan na sana ay madulas ang kabilang player, hindi maka-shoot o kaya ay maagaw ang bola. Hindi ba pagdarasal yun ng kasamaan sa kapwa? :P

Sa mga gameshows naman, maririnig natin ang pagsambit sa pangalan ng Diyos at kung hindi ang ninanais ng contestant ang lumabas, para bang pinabayaan siya ng Diyos o hindi tinugon ang dasal. Para tuloy walang kwenta ang ginawang dasal. Sa dalawang example na ito, hindi kaya pwedeng sa simula at sa huli na lang ng contest magdasal at mag-enjoy na lang during the game? Ang unang dasal ay gabayan sana sila ng Diyos, ang huling dasal ay pasasalamat sa kung ano mang naging outcome ng contest.

Ang isa pang pinagtataka ko ay ang pagsambit sa ngalan ng Diyos habang nakikipag-sex.
“Oooooh God… unghhhhh… ahhhh… Yeeesssss, oh God…”

Alam ng Diyos na hindi naman talaga ako relihiyosong tao at ito ay ang mga naiisip ko lamang.

8 comments:

tere said...

“Lord, alam Nyo na po kung ano ang nasa isip ko at ang nararamdaman ko. Kung ano man ang plano Nyo sa akin at sa mga mahal ko sa buhay, sana po ay magawa namin…”

ganyan din ang dasal ko araw araw bago matulog at paggising. hindi ako yung conventional magdasal, yung may sign of the cross pa. para kasi sa akin nandiyan lang si God, nakalat, pwedeng tawagin kapag may hinanakit ka, problema. :D

ayun lang. share ko lang. :D

paolo said...

nagsa-sign of the cross naman ako hehe hindi nga lang yung nakaluhod sa bed, altho i have nothing against doing that.

Rix said...

Pao, hindi naman nating kailangan ng makabagbag-damdaming dasal. Sapat na yung ipagdasal mo ang iyong nais at kung anong nasa puso mo.

Hindi ako religious fanatic, but I know that God is working in my life whether I feel it or not. May mga araw na hindi ko rin feel magdasal, pero sinasabi ko na lang, lalo na kapag down talaga ako:

"Lord, salamat sa magagandang bagay na naidulot sa akin ng araw na ito. Medyo depressed ako nitong mga nakaraang araw, pero salamat na rin at kahit siraulo ako ngayon, may maganda pa rin sa buhay ko. Sana bigyan po Ninyo ako ng lakas na harapin ang araw bukas.

Amen."

:D

paolo said...

"pero salamat na rin at kahit siraulo ako ngayon, may maganda pa rin sa buhay ko"

hahahahaha ayos ah. hindi ba swear word ang "siraulo"? :P

Rix said...

Technically, "siraulo" means "crazy", "insane". At syempre patungkol to sa sarili ko, kaya hindi naman swear word yun.

Besides, I never saw "siraulo" as a swear word at all. :D

Sharlyn said...

sa pagdadasal kailangan una natin sabihin ay pagpuri sa Panginoon, sumunod ang huminingi ng tawad, magpasalamat at tsaka humiling ng nais..

paolo said...

rix, siguro nga kung patungkol sa sarili eh hindi swear word :P

sha, pero okay lang ba yun sabihin na lang na "Lord, alam nyo na inisiip ko..."?

Anonymous said...

naghahanap sana ako ng mga lyrics ng ama namin pero na basa ko sa blog na to may hindi pala tamang words dun,so ano bang best na prayer?