Friday, September 14, 2007

Ang Babae Ay Parang Cellphone
parehong pinipindot
masarap pindutin
kailangan nga lang ng load palagi

AYON KAY Bebang, parang pakikipagbreak daw sa karelasyon ang mawalan ng cellphone. Nuon lang ako nakabasa ng paghahambing ng cell sa pag-ibig. Sige nga, tingnan ko nga kung pwede.

Huli na ako nang magkaroon ng cellphone. Meron na ang karamihan, tsaka pa lang ako nasabihang “mobile” ang buhay. Pero Nokia 3210 na ang cellphone ko nun, habang ang karamihan ay malaki at may antenna ang CP, yun bang Nokia 5110. Maganda ang 3210 nuon, masarap hawakan at ipang-text. Text lang, mahal kasi ang call. Nuon ko nalaman na masarap pala talaga ang may cellphone. Laging excited kapag tumutunog ang monotone na ringtone, tinitingnan agad kung sino ang nagtext. Galing lang pala sa Globe. Guilty din ako sa style na nagkukunwaring may tumawag sa aking cellphone at kinakausap ang “caller” pero ang totoo, gusto lang ipagyabang na “hoy, tingnan nyo ako, may cellphone na ako!” Nawalay lang ako sa cell kong ito nang mawala ang cell ng tatay ko at hiramin (na wala ng balikan) ang aking 3210 dahil mas kailangan daw nya yun kesa sa akin.

Pagdating sa pag-ibig, huli na rin ako nang mainlababo. Habang ang karamihan ay na broken-hearted na, ako ay bago palang tumitibok ang puso at kumikislot ang-- uhmmn… uhhh… anyway, nang malaman kong may pagtingin din pala sya sa akin, nuon ko din lang nalaman na masarap pala talagang ma-in love. Laging excited kapag nakikita at naririnig ang kanyang boses. Syempre, style na rin ang magpa-cute lagi tuwing nasa paligid sya. Ngunit gaya ng aking cellphone, hindi rin nagtagal ang aming pagsasama. Iba kasi ang relihiyon nya at di pwedeng makipagrelasyon sa iba ang paniniwala.

Siguro ay dapat pinaglaban ko ang pag-ibig namin, gaya ng dapat sigurong pinaglaban ko ang aking cell sa tatay ko. Ngunit sa akin, alam kong di talaga kami para sa isa’t-isa; kami ng girl at kami ng 3210 ko. Alam kong mas kailangan nga ng tatay ko ang cellphone at kami nung girl, alam kong di namin kayang talikuran ang mga nakagisnan namin relihiyon. Ito siguro ang dahilan kaya di ganung kasakit ang pagkakawalay ko sa dalawang iyon.

Ang sumunod kong cellphone ay Nokia 3310 habang ang karamihan ay 3210 naman. Nawala din ang cp kong ito. Nakasakay ako nuon sa tricycle at maluwag ang bulsa ko sa pantalon. Lumipas lang ang kalahating oras pagkababa ko nang mapansin kong nawawala ang cellphone kong nasa bulsa. Patay. Hindi na ako umaasang makikita pang muli ang cell ko ngunit alam kong kailangan kong subukan man lang hanapin. Tinunton ko ang tricycle na nasakyan ko (wala daw siyang nakita— natural). Tinawagan ko din ang cell ko, may sumagot ngunit ayaw namang magsalita. Ang narinig ko ay umiiyak na baby. Mauubos lang ang load ng cell ng kaibigan ko. Tinext ko na lang, nakiusap na ibalik ang cell o kaya ay ang SIM na lang (mahalaga din ang SIM lalo na kung nandun lang ang kopya ng numbers ng mga textmates at kakilala). Walang sagot. Shieeet! Hindi nakuha sa santong dasalan, gamitan ng pananakot. Tinakot ko din yung nakakuha ng cell ko na ibalik ang cellphone kung hindi ay ipatutunton ko sa kakilala kong pulis na matulis. No effect. Sabagay, tanga lang ang mananakot ng ganun at tanga din ang maniniwala.

Nokia 6610 ang sumunod (oo, Nokia lagi. Kami kasi ang may-ari ng Nokia) kong cp. Matagal na kaming magkasama ng cell na ito. Mahaba na ang aming pinagsamahan. Reliable. Muntik ko nga lang maiwala ito sa isang inuman. Buti at nakuha ko pa ulit. Meron na din akong O2 XDA ngayon, isang PDA phone. May nagregalo lang naman. Medyo may kamahalan na at hi-tech pero sa totoo, di naman talaga ako mahilig sa magagarang cellphone. Basta nakakatawag, nakakatext eh ayos na ako dun. Hindi rin ako mahilig magpalit-palit ng casing.

May kaugnayan pa ba ito sa relasyon? Hmmmnnn… konti na lang ata.

Gaya sa cellphones, hindi rin ako mahilig sa magagandang babae. Mas gusto ko yung masarap, masayang kasama. Yun bang nagkakaintindihan kami sa mga tinginan at ngitian pa lang. Pero ang pangalawang babaeng nagpa-inlababo sa akin, pre, maganda talaga sya. Kumbaga sa cellphone, isa siyang Apple iPhone. Ipagmamalaki mo talaga kapag sabay kayong naglalakad. Madami din siyang features, pwede sa turo-turo, pwede sa fine dining. Oo, naging kami nung girl at kami pa rin. Pero gaya ng 6210 ko, muntik na din siyang mawala sa akin dati. Tanga-tanga ko kasi, hindi ako nag-iisip.

Ngayon, alam ko ng kailangan nating alagaan ang cellphone at ang taong minamahal natin sa tuwina dahil maaaring sa isang pagkakamali lang, hindi mo na iyon muling makikita pa.


Oh, may co-corny pa ba sa post na to?

5 comments:

tere said...

ikaw si jalajala!!! wahaha!!!

salamat sa pagdaan sa aking pahina. :D

Rix said...

Paolo! Sows. :D I told you I'd find you. :D

paolo said...

tere, bayan namin yung "jalajala" hehe may napupulot kasi ako sa iyong pahina kaya lagi akong andun :P

rix, nyaaahhh paano mo ako natunton? wag mo ng sagutin at baka makita rin ako ng iba huhuhu

raven, nakuha ko lang yung idea kay Bebang pero kung gusto mong ibigay sa akin angc redit ay taos puso kong tatanggapin :P

The Nashman said...

paano yung cellphone ko, segunda mano na nokia na lumang luma....ganon rin kaya magiging syota ko?

paolos said...

hahahaha or it could mean if you love someone you love her till she's old and obsolete-- err... maling word ata ang "obsolete" hehe

daming chix sa oxbarrio, wala ka pa makita? dapat kasi may zoom ang camera mo hehe